- MGA TULA -
ALA-ALA NG LUMIPAS Maraming beses na kitang gustong kalimutan Ngunit habang ginagawa ko lalo akong nasasaktan Kasabay ng pag iyak ko ay ang pagiyak ng langit Lalo akong nadudurog dahil may iba ka ng kakapit Sa tuwing sumasapit ang panahon ng tag ulan Di ko maiwasang bumalik sa nakaraan Tangan ang pulang tinta at papel, sakit na di maikubli Puso ko na nagdurugo, walang kahit anung tagpi Di ko sukat akalain na hahantong sa ganito Pakiramdam ko araw araw namamatay ako Pagsasamang kay saya pilit na kinakalimutan Ngunit ang lungkot at hapdi ang nararamdaman Ginawa ko ang lahat ng higit sa inaasahan Saksi ang langit sa ating pagiibigan Ngunit sa ating pagmamahalan anu ba ang nagging mali? Nagseselos ba ang langit kaya ngaun ay puro pighati Masakit mang isiping hindi kana mahagkan Sa bawat sinusulat kong bersikulo ikaw padin nilalaman Siguro nga tama sila, mahal pa din kita Kahit masaklap mang isiping meron ka ng iba Sana dumating na ang tamang araw sa akin Makilala...